Istruktura ng Wikang Filipino
Basahin nang mabuti ang bawat tanong ang piliin ang LETRA ng pinaka-ANGKOP na sagot.
1. Ang Batas Komonwelt Bilang 184 na pinagtibay ng Kongreso ay nagtatag ng isang _____.
A. Komisyon sa mga wika ng Pilipinas
B. Surian ng wikang Pambansa
C. Lupon ng mga tagasuri ng wika sa Pilipinas
D. Grupo ng iskolar ng mga wika sa Pilipinas
2. Aling Probisyong Pangwika ang nagsasaad na "Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat pagyabubgin pa salig pa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika."
A. Artikulo XIV Sek. 5
B. Artikulo XIV Sek. 6
C. Artikulo XIV Sek. 7
D. Artikulo XIV Sek. 8
3. Sa anong panahon ginamit ng mga pari ang wikang Tagalog upang palaganapin ang kristiyanismo sa bansang Pilipinas?
A. Panahon ng Demokrasya
B. Panahon ng Amerikano
C. Panahon ng Hapon
D. Panahon ng Kastila
4. Sa Saligang Batas ng 1935, "isinasaad na ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad ng pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa _____."
A. mga wikang ipinasa ng mga Kastila at Amerikano
B. mga wikang opisyal na ginagamit sa Pilipinas
C. isa sa mga umiiral na katutubong wika
D. lahat ng wikang sinasalita sa buong mundo
5. Sino ang unang tagapagtatag at namuno ng wikang pambansa. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinag-aralan at sinuri ang mga wika na umiiral sa Pilipinas upang piliin ang isa sa mga ito na magiging batayan ng wikang pambansa?
A. Lope K. Santos
B. Lualhati Bautista
C. Ponciano B. Pineda
D. Jaime C. De Veyra
6. Sa panahon ng katutubo, taglay na ng mga ito ang kakayahang pagsulat gamit ang matutulis na bagay. Makikita ang patunay na ito sa mga naiukit nilang panitikan sa mga puno, kawayan, dahon at bato. Ang tawag sa sistema ng pagsulat noong panahong ito ay _____.
A. Abakada
B. Abecederio
C. Alibata
D. Alpabetong Espanyol
7. Ang mga panahong ito ang itinuring na ginintuang panahon ng panitikan dahil sa malayang ipinagamit ang katutubong wika lalo na ang tagalog. Sa malayang paggamit ng wikang Tagalog naging mabilis ang pag-unlad ng panitikang Pilipino. Ang mga pangyayaring ito ay naganap sa anong panahon?
A. Panahon ng Republika
B. Panahon ng Kastila
C. Panahon ng Amerikano
D. Panahon ng Hapon
8. Aling Saligang Batas na nagtatakda na ang wikang Tagalog ang opisyal na wika ng Pilipinas?
A. Saligang Batas ng 1935
B. Saligang Batas ng 1987
C. Saligang Batas ng 1972
D. Saligang Batas ng Biyak-na-Bato (1973)
9. Alin ang nagpapakita ng wastong pagkakasunid-sunod ng mga pagbabagong nagaganap sa alpabetong Filipino.
A. Alibata-> abecederio-> abakada-> alpabeto
B. Alibata-> abakada-> alpabetong Filipino
C. Alibata-> abakada-> abecederio-> alpabeto
D. Alibata-> abakada-> alpabeto-> abecederio
10. Sa patakarang edukasyong bilinguwal, itinakda ang paggamit ng dalawang wika bilang magkahiwalay na gamit sa mga tiyak na asignatura. Ano ito?
A. Filipino at Ingles
B. Filipino at Nihinggo
C. Filipino at Kastila
D. Filipino at Romano