FILIPINO: Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon

 


Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon

Basahin nang mabuti ang bawat tanong at pillin ang LETRA ng pinaka-TAMANG na sagot.

1. Anong kaantasan ng wika ang pangingusap na ito: "I take vitamins pero payat pa rin."?
A. Balbal
B. Jargon
C. Lalawigan
D. Kolokyal

2. Aling antas ng wika ang pangungusap? "Tunay na nakahahalinang pagmasdan ang pagsikat ng araw."
A. Pampanitikan
B. Pambansa
C. Lingua Franca
D. Balbal

3. Ginaya ni Roan ang tilaok ng manok kaninang umaga para gisingin ang kanyang kapatid. Anong teorya ito?
A. Teoryang Yo-he-ho
B. Teoryang Ding-dong
C. Teoryang Tata
D. Teoryang Bow-wow

4. Aling tanggapan ang may tungkulin magkaroon ng isang wika na gagamitin bilang isang wikang pambansa?
A. Surian ng Wikang Pambansa
B. Surian ng Pambansang Pilipinas
C. Surian ng mga Wika sa Pilipinas
D. Wika ng Pilipinas

5. Sino ang pangulong nagdeklara ng "Filipino" ang itatawag sa wikang pambansa?
A. Emilio Aguinaldo
B. Corazon Aquino
C. Ramon Magsaysay
D. Benigno Aquino, Sr.

6. Binubuo ng ilang simbolo ang baybayin?
A. 24
B. 17
C. 10
D. 14

7. Ang indibidwal ang siyang mismong nagiging tagapaghatid at tagatanggap ng mensahe. Anong proseso ng komunikasyon ito?
A. Interpersonal
B. Intrapersonal
C. Kognitibo
D. Metakognitibo

8. Alin sa mga ito ang palabuuan?
A. Pragmatiks
B. Sintaksis
C. Semantika
D. Morpolohiya

9. Kinikilala nito alinman sa tagapaghatid o tagatanggap ng mensahe bilang kasangkot ng pakikipagtalastasan na kapwa lumilikha at tumatanggap ng mga mensahe. Ano anh tinutukoy sa pahayag?
A. Modelong Ekolohikal
B. Modelong Transaksyunal
C. Modelong Interaktibo
D. Modelong Irasyunal

10. "Ala, ang layo eh!" Anong barayti ng wika ito?
A. Idyolek
B. Dayalek
C. Sosyolek
D. Etnolek

11. Ang "siya" ay anong halimbawa ng barayti ng wika?
A. Idyolek
B. Dayalek
C. Sosyolek
D. Etnolek

12. "Syota, Ermat, at Erpat" ay mga halimbawa ng impormal na salita. Anong antas ito ng wika?
A. Balbal
B. Lalawiganin
C. Kolokyal
D. Pormal

13. Alin ang hindi katangian ng wika?
A. Dinamiko
B. Katutubo at likas
C. Kaantasan
D. May proseso sa pagbigkas

14. Ang pidgin ay sinaunang terminong _____.
A. structure
B. business
C. agriculture
D. office

15. Alin ang dalawang dimension ng pagkakaroon ng barayti ng wika?
A. Nabuong anyo ng wika an nabubuong wika
B. Nabubuong wika at kinagisnang wika
C. Nabuong anyo ng wika at barayti ng wika
D. Antas ng wika at nabuong tunog

16. Dadalaw sa mga paaralan si Dr. Filemon S. Salas, ang tagapamahala ng mga paaralan sa lungsod ng Pasay. Sa anong paraan ginamit ang pangalan?
A. Pamuno
B. Tuwirang Layon
C. Paksa
D. Panuring

17. Naku! tumutulo na naman ang mga _____ ng Nawasa.
A. tubô
B. tubó
C. tubò
D. tùbo

18. Ano ang dahilan kung bakit naging masigla ang pagsulat ng mga Pilipino sa magasing "Liwayway" noong panahon ng Hapon?
A. Malaya silang sumulat
B. Walang takot silang sumulat
C. Nabigyan ng pagpapahalaga ang sariling wika
D. Mapayapa ang panahon

19. Noong Linggo ay lumipad patungong Canada si Josue. Ano ang _____ mong pasalubong para sa kanila? Tanong ni Juana.
A. nadala
B. dinala
C. ipinadala
D. padala

20. Alin sa mga sumusunod ang tamang pangungusap?
A. Ang nanalo bilang Bb. Pilipinas Universe ay anak ng isang aktor.
B. Ang nanalong Bb. Pilipinas Universe ay siyang anak ng aktor.
C. Anak ng isang aktor ang nanalong Bb. Pilipinas Universe
D. Bb. Pilipinas Universe na anak ng isang aktor ang nanalo

21. Tukuyin kung anong bahagi ng pangungusap ang mga sumusunod: hinggil sa latubig; ang mga tumayi; matalino't masipag; sa gulang na walo
A. Sugnay na di-makapag-iisa
B. Pahayag
C. Parirala
D. Di-karaniwan

22. Kasingkahulugan ng salitang may salungguhit. " Isang watawat na pinagbubuhusan ng husay sa pagtahi ang sa wakas ay naihatid na rin bayan sakay sa isang karwahe."
A. Pinagdaluyan
B. Winagayway
C. Pinaglaanan
D. Nasilayan

23. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may kayariang hugnayan?
A. Ang mga Pinoy ay magagaling.
B. Ang pasalubong ay paraan ng pagpapaabot ng saya at pasasalamat din.
C. Ang buhay at pananaw ng mga Pinoy ay pansamantalang nagbabago subalit may mga bagay na 'di nag-iiba.
D. Ang wikang Filipino ay mahalaga.

24. Makararating ka agad sa iyong patutunguha  kung maglalakad ka _____.
A. nang mabilis
B. ng mabilis
C. nang maaga
D. ng unti-unti

25. Agad na sumigaw ang bata _____ makitang dumating ang kanyang kapatid.
A. ng
B. nang
C. sa
D. at

Post a Comment

Previous Post Next Post

Ádvertisement

Advertisement