Filipino
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Tukuyin
ang ang letra ng pinakatamang sagot.
1. Ito ang nagmumungkahi ng mga hakbang, plano, patakaran at gawain hinggil
sa wika.
A. Komisyon sa Wikang Filipino
B. Surian ng Wikang Pambansa
C. Komisyon ng Pambansang Wika
D. Surian ng Wikang Filipino
Answer: A
2. Anong antas ng wika ang MERON at NASAN?
A. Balbal
B. Kolokyal
C. Panretorika
D. Pampanitikan
Answer: B
3. Ang TATLUHAN, APATAN, at ANIMAN ay uri ng pang-uring pamilang na _____?
A. Panunuran
B. Palansak
C. Patakaran
D. Patakda
Answer: B
4. Alin ang salitang hindi kabilang sa pangkat?
A. Dasal
B. Buti
C. Bait
D. Magalang
Answer: D
5. Kung nais ng isa na ipakita ang pagbubukod at pagtatangi, alin sa
mga sumusunod na pangatnig ang angkop na gamitin?
A. Pamukod
B. Panapos
C. Paninsay
D. Panlinaw
Answer: A
6. Alin ang pang-abay sa pangungusap?
"Kamakalawa pa kayo hinihintay ng mga bata para mamasyal."
A. Hinihintay
B. Kamakalawa
C. Mamasyal
D. Mga bata
Answer: B
7. Aling proseso ang nagpapakita kung paano gumagana ang ginagamit na mga
sangkap sa pagsasalita at kung paanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa
ilong.
A. Lalim ng Artikulasyon
B. Antas ng Artikulasyon
C. Punto ng Artikulasyon
D. Paraan ng Artikulasyon
Answer: D
8. Ang mga salitang tulad ng SARIWA at MAKITA ay binibigkas nang _____.
A. Malumay
B. Mabilis
C. Malumi
D. Maragsa
Answer: C
9. Anong uri ng pang-abay ang nakasulat sa malaking titik? "PARANG 'di
matutupad ang pinapangarap natin para sa kanya."
A. Pamaraan
B. Pang-agam
C. Palunan
D. Kondisyunal
Answer: B
10. Aling pangungusap ang ginamitan ng wastong pagbabantas?
A. "Isipin mo na lamang dumagsa ang mga kamag-anak ng buwaya." wika ni Tata
Selo
B. "Isipin mo na lamang dumagsa ang mga kamag-anak ng buwaya". wika ni Tata
Selo.
C. "Isipin mo na lamang dumagsa ang mga kamag-anak ng buwaya," wika ni Tata
Selo.
Answer: C
11. "Patakbong lumapit si Scarist sa kanyang mga kalaro." Alin ang pang-abay
sa pangungusap?
A. Patakbo
B. Kanya
C. Lumayo
D. Kalaro
Answer: A
12. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng menor na pangungusap?
A. Aalis sila.
B. Wala sa kanila ang hinahanap ko.
C. Mabuti ako.
D. Gusto raw.
Answer: D
13. Inihatid na sa huling hantungan ang mga nasawi. Alin ang simuno sa
pangungusap?
A. Nasawi
B. Inihatid
C. Huli
D. Hantungan
Answer: A
14. Alin sa mga salita ang may diptonggo?
A. Duyan
B. Bughaw
C. Watawat
D. Sayawan
Answer: B
15. Alin sa mga sumusunod ang tambalang ganap?
A. Samot-sari
B. Panhik-panaog
C. Balik-eskwela
D. Alilang-kanin
Answer: D
16. Anong pagbabagong morpoponemiko ang naganap sa mga salitang tulad ng
nilika at nilipad?
A. Asimilasyon
B. Pagpapalit ng Ponema
C. Pagkakaltas ng Ponema
D. Metatesis
Answer: D
17. Anong varayti ng wikaang walang rul o grammar na sinunod?
A. Dayalk
B. Pidgin
C. Idyolek
D. Creole
Answer: B
18. Anong uri ng pariralang simuno ang ginamit sa pangungusap na ito?
"Isaalang-alang natin ang bukas."
A. Pariralang Pandiwa
B. Pariralang Nominal
C. Pariralang Pang-abay
D. Pariralang Pang-uri
Answer: C
19. Ito ay pagbasang may mataas na antas, sistematiko, komplikado, at
komparatibo.
A. Sintopikal
B. Kritikal
C. Batayang Antas
D. Inspeksyunal
Answer: A
20. "Nagbabara ang butas ng ilong ni Roberto sa tuwing
maaalala ang kataksilan ng kaibigan."
Ano ang kahulugan ng bahaging may salungguhit?
A. Sumasama ang pakiramdam
B. Di makahinga
C. Sinisipon
D. Naiinis
Answer: D
Tags:
General Education