FILIPINO: Panimulang Linggwistika Part 2




Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong at piliin ang PINAKA-ANGKOP na sagot.

Panimulang Linggwistika

1. Aling haypotesis sa monitor model ni Krashen ang malinaw na nagsasaad ng ugnayan ng pagtatamo at pagkatuto ng wika?
A. Input hypothesis
B. Monitor hypothesis
C. Natural order hypothesis
D. Acquisition learning hypothesis

Answer: B

2. Alin ang ginagamit sa pagtuturo kung ang nais bigyang-diin ay ang integrasyon ng mga pagkatuto ng mga nilalaman sa mga layunin ng pagkatuto ng wika?
A. Brain-Based Learning
B. Pagkatutong Task-Based
C. Whole Language Education
D. Content-Cebtered Education

Answer: D

3. Anong panahon nagsimula ang mga pagtatalo ng mga pilosopong Griyego hinggil sa kalikasan ng wika na sinasalita ng mga tao?
A. Unang siglo
B. Ikalawang siglo
C. Ikatlong siglo
D. Ikaapat na siglo

Answer: D

4. Alin ang kinapaaplooban ng paniniwala noong una kung ano ang ayos ng pangungusap sa Ingles ay ganoon din sa Filipino?
A. Descriptive linguistic
B. Descriptive grammar
C. Prescriptive grammar
D. Prescriptive linguistic

Answer: C

5. Mahalagang tungkulin ng guro ng wika noon ang kaalaman sa istruktura ng una at ikalawang wika upang maipaliwanag ang target na wika sa tulong ng kaalaman sa kayarian ng unang wika. Alin ang tinutukoy?
A. Descriptive linguistic
B. Descriptive grammar
C. Prescriptive grammar
D. Prescriptive linguistic

Answer: A

6. Naitatanong ni Ana sa sarili kung ano ang una niyang nabanggit na salita o kung paano siya natutong magsalita. Aling yugto ng pagkatuto ng wika ang inilalarawan ni Ana?
A. Debelopmental linggwistiks
B. Echoic stage
C. Pagtamo
D. Pagkatuto

Answer: A

7. Kapansin-pansin na habang nanonood ng komersiyal na telebisyon ang isang bata ay ginagaya niya ito. Dahil paulit-ulit niya itong sinasalita ay nakabisado at nasasalita na niya ito kahit hindi pa niya lubos na nauunawaan. Aling yugto ng pagkatuto ng wika ang inilalarawan nito?
A. Pagtamo
B. Pagkatuto
C. Echoic stage
D. Debelopmental linggwistiks

Answer: C

8. Si Tarzan ay lumaking napapalibutan ng mga unggoy. Dahil dito natutunan at naiintindihan niya ang paraan ng pakikipag-usap ng mga hayop kahit siya ay isang tao. Aling teorya sa pagkatuto ng wika ang inilalarawan nito?
A. Teoryang Innative
B. Teoryang Kognitib
C. Teoryang Behaviorist
D. Teoryang Makatao

Answer: C

9. Aling estratehiya sa pagtuturo ng wika ang ginamit kung ang pagkatuto ng wika ay may kinalaman sa paglinang ng ugali o gawi? Inaalam ang istruktura ng wika at batay dito ay sinasanay ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-uulit at pagsasaulo?
A. Dulog istruktural
B. Dulog Audio-Lingual
C. Dulog Sitwasyonal
D. Community Language Learning

Answer: A

10. Anong dulog ang gumagamit ng mga aksyon o kilos at paggamit ng mga larawan at tugtugin upang maipaliwanag ang ipinahahayag?
A. Dulog istruktural
B. Dulog Suggestopedia
C. Dulog Sitwasyonal
D. Dulog Total Physical Response

Answer: C

Post a Comment

Previous Post Next Post

Ádvertisement

Advertisement